I still
remember noong bata pa ako, I think I’m 4 or 5 that time, lagi ako sinusundo ni
Lola sa Kalimbas, para magbakasyon sa Pampanga. Tapos susunduin namin si Grace
para may kalaro ako sa bahay, doon din cya matutulog.. and then Grace became my
bestfriend… Ang unang church song na natutunan ko was IBPA MI, ung Our Father
sa kapampangan, cya nagturo sa akin nun, she taught me how to sing “Atin Cu
Pung Singsing”. Pag wala kaming magawa sa bahay, pupunta kami sa house ng
friend nya para makapaglaro cya ng 41 (card game) ,and she taught me how to
play BINGO, kaya when I start schooling, I thought number will end at number
75, kase un ang last number sa BINGO.
Most of our neighbors called me Aiza, kase pinapasuot sa akin nila lola
katulad ng damit ni Aiza Seguerra. Lagi kami kumakain sa San Fernando ng
Palabok, after namin mag grocery sa Ves Mart.
Every summer sinusundo talaga nya ako, hanggang sa
matuto na akong umuwi ng Pampanga mag-isa, when I turned 13. Almost half of my
life nakasama ko sya every summer. Hanggang sa makasama ko na din yung ibang
cousins ko na magbakasyon. Sa pagbabakasyon namin doon, may isang hindi ako
makalimutan, ung minsan nanonood yung
kambal na cousin ko, nilipat ng kapatid ko ung TV, nagsumbong ngayon sa
akin ung kambal, sbi nila, “ate, nilipat nya ung TV eh nanonood kami.. ginawa ko ngayon,
kinuha ko ung remote tpos nilipat ko sa channel kung saan may pinanonood ung
kambal. Nagsumbong ung kapatid ko sa Mommy namin, at inaway talaga ako, bkit ko
daw inaaway ung kapatid ko, tpos pinapalayas ako sa bahay, feeling ko talaga
nun, aping-api ako.. ako naman nagbalot na ng gamit, paglabas ko ng bahay
sumunod ung kambal at iyak ng iyak.. hinihintay namin si lola, kse hihingi ako
ng pamasahe,maya maya papasok na ng gate si lola, may dalang mangga at harina,
magluto daw ako ng pancakes.. tpos tinanong ako, saan daw ako ppunta.. sabi ko,
Lola uwi na po ako.. tpos sumagot ung kambal, Lola pinapalayas cya ni Tita,
tpos kinuwento nila kambal ung nangyari, habang ako hindi nko umiimik, kse
feeling ko noon, galit sa akin ung mundo.. Nagulat na lang ako ng bigla akong hinatak ng Lola ko papasok sa
loob ng bahay, tpos hinarap Mommy ko, tapos sinabi nya, bakit palayasan me ing
apu ku? ikaung adwa mi inda ing lumayas keni.. nag-away silang dalawa, at ang
ending nun, nag stay ako, at ang lumayas ung kapatid at Mommy ko, nung oras din
na yun. Pag alis nila, sabi ni Lola sa amin nila kambal, anu gusto nyo
meryenda? tapos nagtawanan kami na parang walang nangyari… pero after dinner
nagtanong ako kay Lola, sabi ko, Lola bakit ganun si Mommy sa akin?.. sabi nya
lang sa akin,
“Ot mkanian ka , eme isipan i Mommy mu, basta ing
tandanan mu… apo daka… apo daka..” yun talaga ung moment na naisip ko, kung
gaano ako kahalaga sa kanya..
Lagi ako excited umuwi ng Pampanga, lalo na pag may
honor ako, kase I know she will gave me a reward. She will hang my ribbon on
her mirror table, tapos ipapakita nya yun at ipagmamalaki sa lahat ng friends
nya na pupunta sa bahay, she would proudly tell them, “Kang Karla ya honor yan,
biyasa ya talaga ing apu ku na yan! I love her so much because she gave me
everything I ask for and I didn’t ask for, and she showered me love. I’ll be
forever thankful to her, lalo na sa mga times na pinagtatanggol nya ako..
“Kaswerti ko, pegkaluban naku ning Dyos a malugud a
apung kalupa mu na alang kapara ing lugud a pepakit mu at salamat qng lugud a
ita. Kaluguran daka din apu ko, Kaluguran daka… Edaka kalingwan kapilan man”…